<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/2804135703073295453?origin\x3dhttp://blagjob.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> <body>

Wednesday, October 17, 2007
Maglalakad lang ba ulit tayo?" Tanong ko sa 'yo
nung pauwi na tayo galing class.

"Oo naman," Naglalakad ka na bago ka
magbigay ng sagot, kasunod ang walang
kamatayan mong linya, "Walking is good for the
heart."

Nagreklamo ako, "Nakakatamad!" Pero sumunod
din naman ako sa paglakad mo.

"Alam mo, mas masaya maglakad."

"Sabi mo e."

"Hindi nga!" Ang tawa mo, "Una--"

Unahan na kita, "Walking is good for the heart?"

"O, yon."

"Ano pa?"

"Marami kang nakikita."

"At walang nakikita sa jeep?"

"Meron. Pero mabilis! Maraming bagay na hindi
mo mapapansin."

"Halimbawa?"

"Halimbawa..." Tumingin ka sa paligid, sabay
pulot ng isang tuyong dahon, "Dahon."

Inabot mo sakin ang dahon, tinanggap ko at
tinapat ko sa mga mata mo, "Dahon?"

"Dahon," Tumango ka na parang napaka-obvious
ng point mo, "Ang ganda diba?"

Tiningnan ko ang dahon, "Hinde."

"Ang KJ nito. Maganda siya, in its own way."

"ANG GANDAAAAAAAAAAAAH!!!"

"Exag."

"Ang ganda!"

"Ayaaaaaaaaan..."

"O, dahon. Maganda. Tapos?"

"Walang dahon sa jeep."

"Meron!"

"Pupulot ka ba ng dahon sa jeep?"

"Hinde. Eh Ikaw lang naman ang kilala kong
namumulot ng dahon e."

"Kaya nga."

"Ang labo mo."

"Malalaman mo bang namumulot ako ng dahon
kung hindi tayo naglakad?"

"Hinde."

"Malalaman ko bang tumatanggap ka ng mga
pinulot na dahon kung hindi tayo naglakad?"

"Hindi ren."

"Malalaman mo bang tumatanggap ka ng mga
pinulot na dahon kung hindi tayo naglakad?"

"Lalong hinde."

"Kita mo na? Kaya mas masaya maglakad."

"Para makapamulot ng dahon?"

"Oo," Tumawa ka ng bahagya sabay ngiti sa'kin.

Bahay ko na, "Dito na 'ko."

"Next meeting ulit?"

"Mamumulot tayo ng dahon?"

"Hanggang sa makagawa tayo ng foliage."

Pinanood kita maglakad palayo saka tiningnan
ang dahon na hawak ko pa rin hanggang doon.

Walking is good for the heart.

-read between the lines-


10:42 AM


my blah

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

About this blog?
Compiling what I’ve learn not maybe on books ( books is just primary) I prefer observational learning. Learning in life is greater than acquiring in books. And Some content are just my opinion in what i experience in my daily boring life, the stupidity or curiosity in our social norms . Feel free to comment. Explore and enjoy.

shit it out U






archives
  • September 2007
  • October 2007
  • November 2007
  • October 2008



  • links
    -=jaja=-
    -=coconuter=-
    -=arianne=-
    -=mga kwento ni wanda=-
    viewed


    credits
    -=designer=-
    -=image=-
    -=photoshop=- CS2
    U

    ETC! -NEILWIN-


    This blog is Blogvertised!